Kaisa mo ang DBP sa pag-abot ng iyong pangarap na mabigyan ng
mas maginhawang buhay ang iyong pamilya. Para sa iyo ang DBP Financial
Assistance to OFWs na nagbibigay ng iba't ibang loans na angkop
sa iyong mga pangangailangan.
Pre-Departure Loan
Hindi na problema ang pambayad sa placement o processing fees
dahil sa pre-departure loan ng DBP para sa mga papaalis na OFW.
Pwede ring mag-loan para sa iyong subsistence allowance, clothing
allowance at pocket money.
Multi-Purpose Loan
Maaasahan mo ang multi-purpose loan ng DBP para sa mga emergency
o biglaang pangangailangan at karagdagang budget para sa tuition
fees, pambili ng sasakyan o bagong appliances at iba pang gastusin.
Ito ay bukas para sa lahat ng mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho
sa ibang bansa at sa kanilang mga pamilya.
Enterprise Development Loan
Sa tulong ng enterprise development loan ng DBP, pwede ka nang
magkaroon ng sariling negosyo. Higit pa sa dagdag kita, hinihikayat
nito ang mga OFWs na mag-impok at mag-invest para sa hinaharap.
Ang enterprise development loan ay pwede mong magamit para sa
puhunan o sa pagpapalago ng iyong negosyo.
Housing Loan
Abot-kamay mo na ang dream house mo at ng iyong pamilya sa tulong
ng DBP housing loan. Ang loan na ito ay magagamit mo para sa
pagbili, pagpapatayo, o pagpapaayos ng iyong sariling bahay.
Ano pa ang hinihintay mo, kabayan? Punta na sa pinakamalapit
na DBP partner institution sa inyong lugar o makipag-ugnayan
sa alinmang DBP office/branch para malaman kung paano mag-avail
ng DBP Financial Assitance to OFWs!.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-avail ng
DBP Financial Assistance to OFWs, makipag-ugnayan sa:
DBP REMITTANCE CENTER
2nd Floor, DBP Head Office
Tel. No.: (632) 818-9511 local 2224
Telefax No.: (632) 893-8855
E-mail: rc-incoming@devbankphil.com.ph